Home / Politics / Dapat Ipatingin sa Psychiatrist si Matobato – Vice Mayor Pulong Duterte

 

matobato-and-paolo-duterte

Dapat na umanong mapatingnan ang pag-iisip ni self-confessed hitman at sinasabing Davao Death Squad (DDS) member na si Edgar Matobato.

Ito ang binigyang diin ni Davao City Vice Mayor Paolo “Polong” Duterte at iginiit na hindi sila magkakilala ni Edgar Matobato.

Ayon sa vice mayor, bumibisita siya noon sa opisina ng Heinous Crime Division ngunit hindi niya nakita si Matobato.

Binigyang linaw naman ng nakababatang Duterte na hindi rin umano niya kilala si Richard Lim King, ang Cebu-based businessman na binaril-patay sa Vital C Building ng Barrio Obrero sa lungsod ng Davao noong Hunyo 12, 2014.

Una nang inakusahan ni Matobato si Paolo Duterte na siyang nagpapatay daw kay King dahil umano sa agawan nila sa isang babae.

{Source}

 

About the author: Baroy

 

Baroy loves to travel around the Philippines. He loves gizmos and toys. He is a social media marketing specialist and also a contributor for Cebu and Davao blog.

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *